Tuesday, October 18, 2011

magsuri po tayo mga kababayan.

mga kababayan kong pilipino ang layon po ng blog na ito ay upang ipahayag ang aral at katuwiran ng PANGINOONG DIOS AT NG KANYANG ANAK ANG PANGINOONG HESUKRISTO na akin pong naunawaan sa pamamagitan ng kanyang sugong mangangaral si bro.eli soriano at si bro. Daniel Razon.
wala po akong hangad na anomang ikasasama ng aking kapwa (sapagkat ito po ang turo ng aming mangangaral.) 1 tes 5:14 tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; ngunit sundin ninyong lagi ang mabuti,ang isa'y sa iba,at sa lahat.
kundi maipahayag ang tama at tunay na katuwiran ng DIOS. na siyang maliit na ambag namin sa aming mangangaral upang maski kaunti ay mabawasan ang kanilang hirap at pagpapakasakit maipahayag lamang ang katuwiran ng DIOS.
ako po ay kaanib sa sa IGLESYA NG DIOS KAY KRISTO HESUS haligi at saligan ng katotohanan

kasi po ito ay utos sa isang tunay na mananampalataya ang sinasabi sa:

ezekiel: 3:17-19 anak ng tao,ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni israel: kaya't pakingan mo ang salita sa aking bibig,at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin.

18. pagka aking sinabi sa masama,ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya,o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kanyang masamang lakad,upang iligtas ang kanyang buhay; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; ngunit ang kanyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.

19. gayon ma'y kung iyong pagpaunahan ang masama, at siya'y hindi humiwalay sa kaniyang kasamaan,o sa kanyang masamang lakad man, siya'y mamamatay sa kaniyang kasamaan;ngunit iyong ililigtas ang iyong kaluluwa.

isasalaysay ko lang po ang ilang bagay sa dati kong relihiyon:

dati po akong kaanib sa united pentecostal church o (upc) 1994 ang aral po ay ang pagiging iisa ng Dios si kristo ang ama ang espiritu santo ay iisa na kung tawagin ay (oneness) matagal ko pong pinaniwalaan ang doktrinang iyon kung minsan sumasama po ako sa evangelism upang ipahayag ang pagiging iisa ng DIOS minsan nga po may nakakadebate kami pero nananatili parin kaming nakatayo sa aming paniniwala,
nang minsang nakikinig ako kay manolo favis napakingan ko ang the genius family na binubuo ng ibat ibang relihiyon gabi gabi po nakikinig ako ang napagtuunan ko ng pansin ay ang talatang binanggit ni bro.eli sa kawikaan 15:8 ang hain ng masama ay kasuklam suklam sa panginoon: ngunit ang dalangin ng matuwid ay kanyang kaluguran.
sabi ko sa sarili ko ano kaya ang ibig sabihin noon? ng minsang mayroon kaming pagtitipon o (araw ng lingo worship service) ay may ilang bisita inaasahan kami na aming naanyayahan sa aming pag eevangelize dalawang lingo na kaming nagaantay pero walang dumating.. ang lugar po na pinagdarausan ng aming worship service ay tatlong grado sa unang grado upc din po pero crame chapter sila sa ikatlong grado hati po ang project 4 at katipunan chapter bago ka makaakyat sa 3rd floor dadaan ka sa first floor o pintuan ng crame chapter. minsan sa pagdalo ko sa worship service nakita ko ang bisitang inanyayahan namin nasa crame siya dumalo kinausap ko bakit ka nandito? tanong ko sa kanya sagot niya dito daw po kayo pero hinahanap ko kayo di ko kayo makita. naisip ko parang nangaagaw sila ng bisita. edi inanyayahan ko siya na umakyat sa itaas nagumpisa na ang worship service nang oras na ng abuluyan nagbigay din ang bisita sabi ko sa isip ko kaya pala inaagaw nila ang bisita ay dahil sa abuloy. pero do pa rin mawala sa isip ko kung ano ang ibig sabihin ng kawikaan 15:8

======= ================================================================







No comments:

Post a Comment